Panitikan sa France
Panitikan sa France
Ang France o Persiya ay isa sa pinakamalaking bansa sa Europa.Ang kabisera nito ay Paris.Ang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay “Lupain ng mga Prangko.”Ang Republikang Pranses ay republika na may matibay na tradisyong Demokratiko.Ito ay nahahati sa dalawampu’t pitong rehiyon,dalawampu’t dalawa ay nasa metropolitanong Pransiya;ang isa ay ang teritoryong kolektibo ng Corsica,at ang lima ay mga dayuhang rehiyon.
Venus de Milo
Pablo Picasso
Vincent van Gogh
Mga Pagdiriwang
Hello guys,magandang araw sa inyo at ngayon ay pag-uusapan natin ang pamumuhay at panitikan ng mga tao sa France.
French ang pangunahin at opisyal na wika ng 65.4 milyong mamamayan.Tinatayang tatlong porsyento ng populasyon ay nagsasalita ng German,nangingibabaw ito sa mga probinsya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan.Arabic naman ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit.
Katoliko ang pangunahing relihiyon ng mga nakatira dito,tinatayang walumpung porsyento ang nagsasabi na sila ay katoliko.At ang ibang relihiyon naman ay Islam,Pro- testante at Juduaism.
Mga Kaugalian
Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan, karaniwan silang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong kumento tungkol sa kanilang bansa.Ang pag-uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano na kawalang galang.
Ang “chauvinism”ay nagmula sa France.Bagamat ang kababaihanay gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo,marami parin ang naniniwala na sila ay Male-dominated Culture.
Niyayakap din ng mga taga-France ang estilo, sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar sila ay mala-maharlika.
Naniniwala rin sila sa “egalite” na nangangahulugang pagkakapantay-pantay at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa “Liberte,Egalite,Fraternite.”Marami ang nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay kaysa sa dalawang nalalabing salita sa kanilang motto na Kalayaan at Pagkakapatiran.
Sining
Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France, ang impluwensya ng Gothic,Romanesque Rococo at Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali.
Ang ilan sa pinakamalalaking museyo at ang tahanan ng maraming kilalang likha ng sining ay nakalagak sa Louvre Museum sa Paris.
Ang mga kilalang likha ng sining na nakalagak dito ay ang:
Mona LisaMga Kilalang artist sa kasaysayan:
Sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.
Mga Kasuotan
Kilala rin ang France sa matataas na uri ng fashion houses,kilala sila sa hindi matatawarang magara o magarbong pananamit.Karamihan sa kanila ay sopistikado,disente at sunod sa uso.Ang karaniwan nilang damit ay mahahabang amerikana,terno,mga bandana,berets o bilog at malalambot na sombrero.
Mga Pagdiriwang
Ipinagdidiwang din ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga kristiyano tulad ng Pasko at Mahal na Araw.Iniaalala din nila ang May Day,kilala rin bilang Mahal na Araw ng mga manggagawa na ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 at ang Araw ng Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong Ikadalawang Digmaang Pandaigdig(WORLD WAR 2).Ang araw ng Bastille ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga rebolusyon sa France.
Ang kuba ng Notre dame
Nobela
Ang nobela ay isang uri ng panitikan na nagmula sa bansang france binubuo ng mga iba't ibang kabanata at ito'y maaring patungkol sa pag ibig/pagmamahalan at merong kapana-panabik na mga eksena o pangyayari na maaring magustuhan ng mambabasa.Ang wakas ay maaring maganda o kaya naman ay di maganda maari ring isang trahedya ang wakas.Ito'y isa sa mahalagang panitikan ng france sapagkat dito ito nagmula at may mga kwentong ang tinatangkilik ng maraming tao at aking kayo'y tinatangkilik na inyo basahin sapagkat ito'y kapanabik-nabik at nagbibigay o nag-iiwan ng isang aral sa mambabasa.
Isa sa pinakakilalang nobela sa France ay ang:
ni Victor Hugo
Diyan napo natatapos ang aking blog,
salamat sa inyong pagbabasa.😊😊
Sana kayo'y may natutunan.
Go go go go!!
ReplyDeleteDa heel
Delete